WebClick Tracer

Mental health konektado sa sakit sa puso

Hindi lang cholesterol, high blood pressure, diabetes, at obesity ang dapat bantayan para mapanatiling malusog ang puso. Ayon sa mga eksperto, mahalaga rin ang kalusugan ng isip dahil may malaking epekto ito sa panganib nang pagkakaroon ng cardiovascular disease.

Ito ang isa sa mga pangunahing paksa sa katatapos na 56th Philippine Heart Association Philippine College of Cardiology Annual Convention na ginanap sa EDSA Shangri-La, Mandaluyong City. Sa espesyal na advocacy hour na may temang “Mental Health and the Heart,” tinalakay ng mgacardiologist, psychiatrist, faith leaders, mental health advocates, at iba pang eksperto kung paano nakaaapekto ang stress, anxiety, depression, trauma, at burnout sa kalusugan ng puso.

Madalas na nakatuon ang atensyon ng mga pasyente salaboratory results gaya ng cholesterol levels, blood pressure, blood sugar, diet, at ehersisyo. Ngunit ayon sa mga eksperto, may mahalagang papel ang mga emosyon at mental well-being sa pangkalahatang kalusugan ng katawan. Clueless din ang maraming doktor sa pinagdaraanan ng kanilang pasyente namadalas hindi sinasabi ang kanilang mga dinadalang negatibongpakiramdam na naipon sa matagal na panahon.

Kapag matagal na nakararanas ng matinding stress ang isangtao, tumataas ang antas ng cortisol at adrenaline sa katawan. Sa paglipas ng panahon, maaari itong magdulot ng pagtaas ng blood pressure, pamamaga ng mga ugat, at iba pang kondisyonna nagpapahirap sa puso.

Bukod dito, ipinapakita rin ng mga pag-aaral na ang kakulangansa social connection at emotional support ay may kaugnayan samas mataas na panganib ng depression, anxiety, chronic stress, at maging cognitive decline. Maaari rin itong makaapekto sakalidad ng tulog, immune system, at cardiovascular health.

Ayon kay Dr. Iris Garcia ng Philippine Heart Association, magkaugnay ang kalusugan ng isip at katawan. “It affects how we think, feel, act, relate with others, and make decisions every day,” aniya.

Para naman kay Dr. Joan Mae Perez-Rifareal ng Philippine Psychiatric Association, hindi maiiwasan ang stress dahil bahagiito ng buhay. Ang mahalaga ay matutunan itong i-manage upanghindi mauwi sa anxiety, burnout, o depression. Payo niya ang sapat na tulog, wastong nutrisyon, regular na ehersisyo, at paggawa ng mga bagay na nagbibigay ng saya at balanse sabuhay.

Nangungunang sanhi pa rin ng pagkamatay ng maraming Pilipino ang sakit sa puso. Dahil dito, binibigyang-diin ngayonng mga eksperto ang kahalagahan ng integrated care kung saansabay na binibigyang pansin ang physical at mental health ng pasyente.

Kasabay ng convention ay inilunsad din ang 2025 Philippine Clinical Practice Guidelines for the Treatment of Chronic Coronary Syndrome na layong higit pang mapabuti ang pangangalaga sa mga may sakit sa puso at mapalawak ang access sa evidence-based healthcare sa buong bansa.

Nagbahagi rin ng inspirasyon ang aktres at mental health advocate na si Hershey Neri, na nagsabing malaking tulong sapaggaling ang therapy, suporta ng pamilya, at pagkakaroon ng ligtas na espasyong mapaglalabasan ng damdamin.

Nagbigay ng mahalagang paalala si Pastor Ed Lapiz tungkol saepekto ng sobrang impormasyon sa ating mental at emotional well-being. “There is a difference between being informed and being invaded by information,” aniya.

Sa panahon ng walang tigil na balita, social media updates, at digital distractions, mahalagang pangalagaan hindi lamang ang ating katawan kundi maging ang ating isip. Dahil sa huli, ang malusog na puso ay hindi lamang nasusukat sa resulta ng laboratory tests. Nakaugat din ito sa kapayapaan ng isip, matatagna relasyon, at kakayahang pangalagaan ang sarili sa gitna ng mga hamon ng buhay. Protect your mind, protect your heart!