WebClick Tracer

Ano ang chronic kidney disease

Ang CKD o chronic kidney disease ay isang karamdaman nasinasabing parang death sentence. Ito ay dahil sa oras namaibigay ito na diagnosis, ang kadugtong ay walang katapusangdialysis at sinasabing nagaantay na lang kung kailan bibigay ang katawan. Maaaring totoo, ngunit hindi naman agad agarang ang sitwasyon na ito.

Ang ating kidneys ay sumasala ng mga toxins sa katawan sapamamagitan ng ating pag ihi. Dalawa ito kaya hindi basta bastanapapansin na may problema dahil kung magkaproblema ang isa, may isa pang naka stand by. Ngunit kung pareho nangmagkaproblema, doon na makakaramdam ng mga sintomas, lalona sa pag ihi. Kaya nga mahalaga ay ang regular na pageksamin, kahit kada taon o ang annual physical check-up. Lalong lalo nasa mga may sakit na diabetes o pagtaa ng asukalsa katawan at dugo at hypertension o ang pag taas ng blood pressure. Ito ay ang dalawang sakit na makakapagsimula ng problema sa mgabato o kidneys.

Isa sa mga eksaminasyon na ginagawa ay ang pagtingin ng creatinine. ito ay ang mga toxins at iba pa tulad ng electrolytes na nasa dugo. Kung ito ay maayos at nirmal, maaaring maayosdin ang ating mga bato. Ngunit kung mataas, ang ibig sabihin ay hindi nasasala na ng mga bato dahil may problema na. Kaya lang, hindi na lamang ito ang tinitingnan. Binabase din ang edadat kasarian ng pasyente at kinocompute ito. Ito ay ang GFR o glomerular filtration rate. Ito ang tunay na kapasidad ng pagsalang ating mga bato. Ang normal ay mahigit sa 90mL/min. Kung ito ay bumaba pa sa 15mL/min ay nasa stage 5 na ng kundisyonat maaaring kailanganin na ang dialysis.

May iba’t ibang stages mula 1 hanggang 5, mula sa nakikitalamang sa mga laboratory o imaging tulad ng ultrasound nanaguumpisa ang mga problema. Ngunit sa 4 at 5 ay mangangailangan na ng mas agresibong tulong. Sa katunayan, samga may GFR ng 20mL/min, maaari nang pagusapan ang posibilidad ng renal transplant upang iwasan ang dialysis.

Ang dialysis ay ang pagkuha ng dugo ng katawan, lilinisin ng makina at syang ibabalik sa katawan dahil hindi na gumaganaang mga bato. Ang mala aparador na makinang ito ang pumapalit sa trabaho na ginagawa ng ating mga bato. Napakahirap na sitwasyon ang pagdialysis, lalo na kung kakailanganin na ng madalas ito. Huwag natin hayaan masiraang ating mga bato. Magpatingin na tayo, lalo na kung may mgaiba pang karamdaman.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio at tutukan si Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter o X@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.