Nagiging mas hindi umano tiyak ang magiging boto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte habang papalapit ito sa ikalawang buwan, partikular sa hanay ng minority bloc na maaa¬ring maging “swing votes” sa paghatol sa Pangalawang Pangulo.
Ayon sa source ng Politiko, kabilang sa mga binabantayan ngayon ang mga senador mula sa kasalukuyang minority bloc na sina Senadora Pia Cayetano at Senadora Loren Legarda.
Si Cayetano ay maaari umanong ma¬ging mahalagang boto sa pagkumbinsi sa kinakailangang 16 senador para ma-convict si Duterte. Kapansin-pansin umano ang mas tahimik na postura ni Cayetano sa mga nagdaang pagdinig.
Sa Article 1, na nakatuon sa alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, hindi umano siya kasing-agresibo sa pagtatanong kumpara sa naging pagtatanong niya sa Article 4 tungkol sa umano’y grave threats.
“Notice how Pia is not as thorough in grilling witnesses as she was during Article 4 on grave threats,” ayon sa isang Iskooper, na nagsabing maaaring pinag-iisipan umano ni Cayetano ang magiging boto nito.
Malaking pagbabago umano ito dahil ang kanyang kapatid na si Senate Minori¬ty Leader Alan Peter Cayetano ay na¬ging running mate ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong 2016, at matagal nang iniuugnay sa Duterte camp.
Samantala, kabilang din sa tinitingnang posibleng swing vote si Legarda, na naka-medical leave mula Agosto 3, at pinalawig ang kanyang absence hanggang Setyembre 2.









