WebClick Tracer

Pormang yayamanin! Ukay shoes ni Pepe Herrera bumida sa red carpet

Kung milyones man ang halaga ng suot at palamuti ng ilang celebrity na rumampa sa red carpet na ginanap kamakailan, pangmayaman din ang dating ng pormahan ni Pepe Herrera kahit na sa ukay galing ang suot niyang sapatos.

Masasabing ‘yayamanin’ ang porma ng aktor na si Pepe sa kabila ng simpleng postura. Ito’y dahil na rin sa humakot siya ng milyones na likes sa naganap na 2023 ABS-CBN Ball.

Ibinida ni Pepe ang mga likha ni RIOtaso at IMMA Universe, makinis na leather shoes mula sa ukay shop na tinernuhan niya ng alahas o hikaw ni misis.

Upcycled outfit man kung tawagin pero mas kinikilala ang kanyang kasuotan kumpara sa mga mamahaling suits at gown ng ilang dumalo sa ball noong September 30.

Simple pero rock ang dating ni Pepe sa mga dumalo ng ball dahil marami rin ang natuwa sa kanyang personal protective equipment (PPE) inspired suit na mula pa noong pandemic.

na tinernuhan ng ukay-ukay shoes.

Matatandaang naipakita na ni Pepe ang kanyang porma sa British Vogue issue noong January 2022.

Paliwanag naman ni Pepe, makakalikasan siya at nakakakuha siya ng ideya sa pagbuo ng likha mula sa environment. (Vick Aquino)