Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sulit ang pagod ng Gilas Pilipinas

0 247

HINDI masasayang ang hirap at sakripisyo ng Gilas Men’s Basketball Team dahil tuloy pa rin ang third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Matapos ikansela ang hosting sa bansa, nalipat sa Qatar ang venue at ngayon ay balik na naman sa ‘Pinas ang Qualifiers dahil naghigpit na rin sa Doha.

Kahit papaano ay may patutunguhan ang ginawang pagpasok sa’ Calambubble’ ng Gilas.

Hindi mababalewala ang pagkakakulong nila nang matagal.

Kumbaga, hindi mapupunta sa wala ang preparasyon na kanilang ginawa.

Ang maganda dito, magtakda man ng petsa para sa Qualifiers ay paniguradong handa ang ating pambansang koponan dahil batak na rin sila sa ensayo.

Magandang balita ito para sa basketball fans dahil sa bansa natin gagawin ang mahalagang parte ng Qualfiers.

Sana lang ay mas maging maingat ang lahat, dahil maraming delegado ang darating sa bansa.

Mas mahigpit na protocols para sa kaligtasan ng lahat.

Huwag sana mawaglit sa isip ng lahat na may virus pa rin tayong kinakalaban hanggang sa ngayon.

Gusto ko lang rin isingit ang paglabas ng mga miyembro ng Gilas dahil nasakto ito sa Valentine’s Day kaya naman paniguradong mas ganado ang mga ito pagbalik sa ensayo at pagsabak sa laro.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, 4pm po ‘yan.

Salamat po. God bless! Ingat po tayong lahat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.