WAITING ang Los Angeles Lakers kay Luka Doncic, malapit nang makumpleto ang rehabilitasyon at pagpapakondisyon bago ang NBA preseason.
Nasa final stretch na raw ng kanyang matinding summer training sa Ljubljana, Slovenia si Doncic, pinaghahandaan ang unang season niya sa LA na siya na ang mukha ng purple-and-gold.
Pabalik na raw ang superstar mula sa pinakamahabang pagkakatengga sa kanyang NBA career – ayon sa Sport Klub ay umabot ng 200 days.
Inabot siya ng Grade 2 hamstring strain noong April at natapos ang kanyang 2025-26 season.
Hindi rin siya nakasama sa national team duties niya sa Slovenia nitong summer.
Para mapadali ang recovery, bumiyahe sa Europe si Doncic para sumailalim sa matinding medical treatments kabilang ang stem cell therapy.
Sa pagbabantay ng kanyang long-term personal trainer na si Anze Macek, tinutukan sa pagpapagaling ang full rehab and conditioning.
Nasa peak physical condition na raw ang 27-year-old guard, pumalo na ang timbang sa 105 kilograms.
Kabilang sa routine niya sa Slovenia ang weightlifting at court drills pero wala pang full-contact scrimmages.
Sa Sept. 29 magsisimula ang training camp ng Lakers pagkatapos ng tradisyunal na media day ng Sept. 28.
Nakatakdang bumiyahe sa California si Doncic sa Sept. 20 para samahan ang team. (Vladi Eduarte)












