LUPAYPAY sina Calvin Oftana at ang Gilas Pilipinas sa unang title defense, sinagasaan ng Bahrain 89-85 sa 20th Asian Games sa Aichi International Arena Biyernes, September 11, ng tanghali.
Makailang beses naiwan ng double digits ang Fillipinos pero nakabalik, huli ang 3-pointer ni Don Trollano 11 seconds na lang sa laro na naging final tally na.
Kinapos ang comeback.
Nakipagpukpukan ang Nationals, nagawang maglunsad ng 22-10 run sa second quarter para agawin ang lead 43-41 may 1:38 pa sa pero pero tinapos ng Bahrain ang first half sa 8-0 blitz para bawiin ang unahan 49-43 papasok ng break.
Mula dulo ng second period, itinawid ng Bahrainis ang run 21-5 sa third.
Nakabawi ang Gilas sa period, inari ang third 27-17 pero iwan pa rin 76-61 papasok ng final stanza.
Dalawang buzzer beating 3 ang ibinaon ng Bahrain sa dying seconds ng second at third quarters.
Nalimitahan muli ang Bahrain sa 13 points sa fourth pero hindi na nakaporma ang Filipinos.
Inabot pa ng ankle sprain si Adrian Nocum, hindi pa sigurado kung makakalaro sa second game kontra Kazakhstan ngayong Sabado ng 6pm.
Hindi naman basketball powerhouse sa rehiyon ang Bahrain pero sinamantala ang passport-only rule sa Asiad, apat na naturalized players ang ipinarada kina JaKarr Sampson, Elijah Thomas, Uros Ilic at Austin Ajukwa.
All-PBA ang ipinarada ni coach Tim Cone, kinumpleto ang 12-man lineup kay Calvin Oftana, na ibinigay ang slot na para sana kay Justin Brownlee.
Naging top performer pa ng Gilas si Oftana na tumikada ng 31 points.
Nag-ambag si Nocum ng 14 points, 7 rebounds bago ang injury, may 10 at 6 si Justine Baltazar.
Umiskor ng 24 at may 13 rebounds si Sampson, sinegundahan ng tig-20 nina Thomas at Mustafa Rashed sa Bahrain. (Vladi Eduarte)












