Nanindigan si Senador Rodante Marcoleta na maaari pa rin niyang gampanan ang tungkulin bilang senator-judge ng impeachment court sa kabila ng kanyang pagkakabilanggo.
Sa liham kina Senate President Sherwin Gatchalian at impeachment court presiding officer Francis Escudero, naghain si Marcoleta ng manifestation na tumututol sa pagkakatalaga kay Escudero sa naturang puwesto at nagpahayag ng suporta para sa kinakailangang 16 na boto sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Marcoleta, walang hadlang sa kanyang legal capacity na bumoto bilang senator-judge dahil hindi naman siya isinailalim sa preventive suspension.
Nakakulong si Marcoleta sa New Quezon City Jail kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa donasyong natanggap bago ang eleksiyon noong 2022.









