WebClick Tracer

‘Alang kuwenta daw mga kuda! Jonathan Kuminga barado sa mga panatiko ng Lakers

KELAN lang, tinabla ni Jonathan Kuminga ang Los Angeles Lakers para pumirma sa Minnesota Timberwolves.

Pinili daw niya ang Minnesota dahil sa on-court fit at genuine connection sa players.

May winning culture daw ang Timberwolves.

“(The Wolves had the) best winning culture I could’ve chosen out of the options,” ani Kuminga sa kanyang introductory press conference nitong Huwebes.

May offer din daw ang 23-year-old forward mula sa Lakers, Chicago Bulls at Portland Trail Blazers.

Handang magbayad ang LA ng $12 million taon-taon sa inihahain na three-year deal, kapantay ng two-year contract na pinirmahan niya sa Minnesota.

Nag-alsa agad ang Lakers fans sa ‘winning culture’ na kuda ni Kuminga.

“What an idiotic comment,” pahayag ng isang Laker fan.
“What the hell does Minnesota know about winning?” sundot naman ng isa pa.

“LA Lakers dodged a bullet,” punto ng isa pang fan.
“I know what dude is trying to say. But the Lakers banners got banners!” paalala ng isa pa.

Tama nga naman.

Fact check: 17 championship banners na ang nakasabit sa rafters ng LA.

Ang Minnesota: zero.

Kaya kung winning culture ang hinahanap niya, salto na agad si Kuminga. Sigurado, tatargetin siya ng pang-aaalaska sa Los Angeles kapag dumayo ang Wolves. (Vladi Eduarte)