HIND lang pang-basketball si Jalen Brunson, pang-SNL din.
Matapos akayin ang New York Knicks sa titulo ng 2025-2026 NBA season, sasabak naman sa kanyang hosting debut si Brunson sa unang episode ng Saturday Night Live para ngayong season.
Magde-debut ang bagong season ng show sa Sept. 26 (Sept. 27 sa Manila), musical guest ang pop girl group Katseye.
Finals MVP si Brunson matapos pumutok ng 45 points sa Game 5 ng Finals nang kalusin ng Knicks ang San Antonio Spurs noong June.
Iniuwi sa Madison Square Garden ang Larry O’Brien Trophy sa unang pagkakataon makalipas ang 53 years.
Mula nang magsimula ang show noong 1975, ilang sports greats na ang naging hosts kabilang sina Bill Russell, Deion Sanders, Derek Jeter, Charles Barkley, Peyton Manning, Travis Kelce at Tom Brady.
Bibinyagan agad ng retooled Philadelphia ang title defense ng Knicks sa Oct. 22 (araw sa Manila).
Masusubok ang halos hindi nagalaw na roster ng New York laban sa 76ers na may LeBron James at Jaylen Brown na dagdag kina Joel Embiid, Tyrese Maxey, VJ Edgecombre.
Isusunod ng New York ang Boston Celtics sa Oct. 25 bago ang Orlando Magic (Oct. 27).
Tatasahan ng Detroit Pistons ang defending champions sa Oct. 29, kontra Chicago Bulls ng Oct. 30 bago ang round 2 kontra 76ers sa Nov. 1. (Vladi Eduarte)












