Dalawa ang nasawi habang isa ang nawawala matapos ang biglaang pagbaha sa Grand Canyon sa Arizona, USA noong Sabado.
Ayon sa National Park Service, inanod ng malakas na ulan ang tubig, bato at putik sa ilang bahagi ng sikat na hiking trail, kabilang ang Bright Angel Canyon at Phantom Ranch.
Umabot sa 82 katao ang nailigtas noong Sabado at Linggo. Nahanap din ng mga awtoridad ang higit isang dosenang tao na una nang iniulat na nawawala.
Patuloy ang paghahanap sa isang taong hindi pa nakokontak, habang inaasahang gaganda ang panahon para makatulong sa search and rescue operation salugar.
Dahil sa baha, nawasak ang ilang tulay at humarang ang mga debris sa Bright Angel Creek.
Nasira rin ang tinatayang 40 porsiyento ng pangunahing water pipeline ng parke dahilan upang magpatupad ng water restriction sa pinakadinadayong bahagi ng Grand Canyon.









