Umabot na sa 178 lugar sa bansa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng mga bagyo at walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos na naitala hanggang alas-6:00 ng umaga kahapon, milyon-milyong Pilipino na ang apektado ng mga pagbaha at iba pang pinsalang dulot ng sama ng panahon.
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ang Pangasinan, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Dagupan, Rizal at Batangas.
Kabilang naman sa mga rehiyong naapektuhan ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Metro Manila at Mimaropa. (Issa Santiago)









