Ibang klase talaga ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Aba, sa mga party, si Sharon pa rin ang palaging bida.
Palagi ngang nababanggit si Sharon lalo na ng mga mahilig magbalot o mag-“Sharon” ng mga handang pagkain.
At sa kanyang Instagram Story nga, binida ng Megastar ang iba’t ibang klase ng “Sharonians”.
Flinex nga niya ang iba’t ibang klase ng pagbabalot ng mga tirang handa sa mga party.
Natuwa nga ang mga faney na game na game ang Megastar sa mga “Sharonian” sa mga party.
“Sharonian” ang tawag sa mga nagbabalot, nag-uuwi ng mga pagkain mula sa party dahil sa kanta ni Sharon na “Bituing Walang Ningning”.
May linya kasi sa lyrics na “Balutin mo ako ng iyong pagmamahal” at kapag balutan portion na nga sa mga party ay nagkakabiruan na kantahin ‘yon. (Jun Lalin)












