Marami ang naaliw sa birthday party ni Ogie Alcasid dahil nilapitan ni Herbert “Bistek” Bautista si Annabelle Rama.
Siyempre, alam naman ng lahat na nag-end na ang relasyon nina Bistek at Ruffa Gutierrez, pero nakakatuwa raw na nagbigay-pugay pa rin ang actor-politician kay Bisaya.
Actually, friends pa rin naman hanggang ngayon sina Bistek at Ruffa at nagkakausap pa rin naman sila, ha!
Anyway, naunang dumating sa party si Bistek at nakita nga namin siya.
Mukhang nakita naman ni Bistek na kasama naming dumating sa party si Tita Annabelle kaya tinanong niya kung saan ang table ng nanay ni Ruffa.
Sey namin kay Bistek, “Nandoon ang ‘mother-in-law’ mo,” sabay turo sa table ni Bisaya at binawi rin naman namin ang unang dialogue namin at sinabing “Ay, ex ‘mother-in-law’ mo pala. Hahaha!” at natawa rin ang mga nakarinig.
In fairness, kahit hiwalay na sina Bistek at Ruffa ay palagi namang bumabati ang una sa mga miyembro ng pamilya Gutierrez kapag nakikita niya sa ma event.
And yes, marami ang humuhulang magkakabalikan pa rin sina Bistek at Ruffa dahil hindi naman nila pinutol ang kanilang komunikasyon hanggang ngayon, ‘noh?!
‘Yun na! (Jun Lalin)












