Kabi-kabilang kaso ng leptospirosis ang naitatala ngayon at punuan na rin ang ilang mga ospital sa bansa ng mga pasyenteng tinamaan naturang sakit matapos ang mga pagbaha dulot ng habagat.
Kaya naman nagsanib-puwersa na ang malalaking ospital sa Metro Manila sa pangunguna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Ayon kay NKTI Executive Director Dr. Jose Dante Dator, malaki ang pasasalamat nila sa kooperasyon ng iba pang malalaking ospital
malaki ang pasasalamat ng nkti sa kooperasyon ng iba pang malalaking ospital tulad ng Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines upang matugunan ang daan-daang Pilipinong nagkakaroon ng leptospirosis.
Dagdag pa niya na ang pinaka apektado sa ganitong uri ng sakit ay ang working class dahil sila ang madalas sumuong sa baha na naglalagay sa kanila sa “under severe category case”.
Base sa ulat, umabot na sa full capacity ang mga pasilidad ng NKTI.
Dagdag pa ni Dator na ang sitwasyon sa emergency room ng NKTI ngayon ay inaasahan din ng mga ahensiya ng pamahalaan na mas tataas pa ang kaso ng leptospirosis sa bansa lalo kung magpapatuloy pa ang mga pag-ulan.
Ngunit siniguro naman ng mga ito na handa sila kung sakali man na ganoon ang mangyayari.
Tiniyak naman ng Department of Health na sapat ang ginagawa nito kasama ang iba pang ahensiya upang tugunan ang lumalalang mga kaso ng leptospirosis sa bansa.
Mas natutukan umano ng DOH ang mga kaso ng leptospirosis ngayong taon dahil kumpara sa datos na 7,163 noong 2025 ay bumaba sa 5,486 ang mga kaso ngayong 2026.









