Pinayagan ng liderato ng Senado ang pagsasagawa ng budget hearing nito kasabay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, tanging ang Senate committee on finance na pinamumunuan ni Senador JV Ejercito ang maaaring magdaos ng sabayang pagdinig.
Samantala, mananatiling sa umaga ang impeachment trial sa kasalukuyan at wala pang pagbabago sa schedule nito.
Layunin ng Senado na mapabilis ang pagtalakay sa panukalang P7.2 trillion national budget sa 2027 dahil puno na ang legislative calendar nito.
Giit ni Gatchalian, ayaw ng Senado na umabot sa puntong reenacted budget ang gagamiting pondo ng gobyerno sa susunod na taon.









