WebClick Tracer

Pelikula nina Echo, Piolo pinagpipilian na ilaban sa Oscar

Nadine Lustre na gaganap bilang nanay sa pelikulang Call Me Mother habang ibinibida ang kanyang hilig sa pagsusulat ng musika.

Pasok ang mga pelikula nina Jericho Rosales at Piolo Pascual na maglalaban para maging Philippine entry sa Oscars 2027.

Nilabas na ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang walong pelikulang pagpipilian para maging official entry ng bansa natin sa Best Foreign Language Film award ng Oscars next year.

Kasama sa mga napili ay ang docu na “58th” na tungkol sa Maguindanao Massacre, at ang Ilocano BL movie na “All the Things I Leave You (Patawid)” na pinagbidahan ni Benedix Ramos.

Todo puri naman ang mga international movie critic sa “Filipiñana” ng Nathan Studios.

Nakakuha ito ng standing ovation at good reviews sa iba’t ibang international film festival — Berlinale at San Francisco International Film Festival, kung saan nakuha ng director nito na si Rafael Manuel ang New Directors Award sa Golden Gate Awards.

Napanalunan naman nito ang World Cinema Dramatic Special Jury Award for Creative Vision sa Sundance Film Festival.

Pasok din sa 8 contenders ang isa pang movie ng Nathan Studios na may universal appeal, ang “I’mPerfect”, na tinanghal na Best Picture sa 51st Metro Manila Film Festival at pinagbidahan ng mga person with Down Syndrome na sina Krystel Go at Earl Jonathan Amaba.

Ikalima naman ang pelikula nina Piolo at Enrique Gil na “Manila’s Finest” na tinanghal namang 3rd Best Picture sa 51st Metro Manila Film Festival at produced ng MQuest Ventures at Cignal TV ni Manny Pangilinan at gayundin ang Spring Films ni Piolo.

Ikaanim naman ang “Quezon” ng TBA Studios na pinagbidahan ni Jericho.

Ang nasabing biopic ni former President Manuel Quezon ang tinanghal na Best Picture sa 9th Entertainment Editors’ Choice Awards (EDDYs).

Ikapito ang “Silenced Nights” na unang Pinoy film na makakasali sa darating na Toronto International Film Festival (TIFF) Platform competition.

Magkakaroon ito ng world premiere sa September 13 sa TIFF 2026.

Kasama rin sa 8 contenders ang highly-acclaimed movie ni Jun Robles Lana, ang “Sisa”, na comeback movie ni Hilda Koronel.

Pinalabas ito sa mga sinehan noong Marso kung saan nakakuha ito ng mga magandang reviews mula sa mga film critic at viewers.

Ayon sa FAP, dadaan sa mahigpit at masusing proseso ang pagpili sa magiging official entry ng Pilipinas.

“The contenders will undergo a rigorous selection process led by a National Selection Committee convened by the Film Academy of the Philippines. Composed of respected Filipino industry experts, the committee has been approved by the Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) and will evaluate the submissions based on artistic merit, cultural relevance, and international campaign potential,” sey ng FAP.

Sa September 4 naman ia-announce ng FAP ang mapipiling pelikula para sa 99th Oscars next year.

Exciting!