WebClick Tracer

Pagdanganan, Del Rosario sasabak sa Epson Tour pampatigas sa Asiad

GAGAMITIN nina Bianca Pagdanganan at Pauline Del Rosario ang 2-3 sa huling apat na event ng 46th Epson Tour 2026 sa pagpapakondisyon para sa Aichi-Nagoya 20th Asian Games women’s golf na nakatakda sa September 30-October 3.

Magsisimula ito sa 11th Dream First Bank Charity Classic na nakatakdang sumiklab sa Buffalo Dunes Golf Course sa Garden City, Kansas ngayong Biyernes (Sabado sa Manila).

Kasama nina Pagdanganan at Del Rosario sa Japan Asiad si amateur Rianne Malixi.

Atat nilang masundan ang sweep ang gintong medalya sa individual team event sa quadrennial sportsfest noong 2018 Jakarta-Palembang Games sa team na binuo noon nina Pagdanganan, Lois Kaye Go at ngayo’y Japanese Yuka Saso.

Si Saso ang sumungkit ng gold sa individual samantalang naka-bronze pa si Pagdanganan.

Sablay sa cut sa last 2 rounds si Go sa 2023 Hangzhou Asiad samantalang tie sa 11th si Malixi sa individual. Mintis din sa cut ang tandem nila sa team event.

Sabak din ang tropa sa ICTSI nina Pagdanganan at Del Rosario na si Dottie Ardina at dalawa pang Pinay na sina Clariss Guce at Tomit Arejola sa Kansas.

Nangangahulugang hindi na makakalahok si Pagdanganan sa season-ending ET Championship sa Oct. 1-4 sa Indian Wells, California na para sa top 80 finishers kung saan kasalukuyan siyang No. 39 samantalang 55th si Ardina at 65 si Guce.

Pero hindi pa rin dapat magpetiks sina Ardina at Guce sa mga September event para masementuhan ang top 80. Nasa labas ng top 80 sina Del Rosario, Arejola at Samantha Bruce. (Ramil Cruz)