Naghain si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III ng isang resolusyon para siyasatin ang epekto ng social media sa mga batang Pilipino at matukoy ang mga hakbang upang higit na maprotektahan ang kanilang digital well-being.
Layunin ng Senate Resolution No. 486 na suriin ang epekto ng labis na paggamit ng screen o “screen time” at pagkakalantad ng mga bata sa online content sa kanilang mental health, kaligtasan, paghubog ng kanilang asal, at pangkalahatang kapakanan.
Sabi pa ni Sotto, aalamin din kung may kaugnayan ang lumalaking pagkakasangkot ng mga menor de edad sa karahasan, mga cyber-related na kaso, at iba pang mapaminsalang gawain sa paggamit ng social media.
“Before adopting drastic policies such as a social media ban, Congress must first conduct a thorough review of the country’s exis¬ting laws, the actual patterns of social media use among Filipino children, and the government’s capacity to enforce any future regulations,” giit ni Sotto. (Dindo Matining)









