Binigyan ni US filmmaker Spike Lee si Pope Leo XIV ng New York Knicks jersey sa pagbisita ng mahigit sa 100 Hollywood star at filmmaker sa Apostolic Palace noong Sabado.
Ipinakita ni Lee ang jersey na may numerong 14 at pangalang “Pope Leo,” bilang pagbanggit sa pagiging ika-14 na Santo Papa ng huli.
Kabilang sa mga dumalo sina Cate Blanchett, Alison Brie, Judd Apatow, Viggo Mortensen, at mga Italian artist gaya nina Monica Bellucci at Dario Argento.
Sa talumpati, sinabi ng Santo Papa na ang cinema ay “magic light” na nagbibigay-liwanag, tumutulong sa mga tao na suriin ang kanilang buhay at muling magbigay ng pag-asa.
Ibinahagi rin niya ang apat niyang paboritong pelikula: “It’s a Wonderful Life,” “The Sound of Music,” “Ordinary People,” at “Life Is Beautiful.”
Tinawag niya ang mga artista bilang “narrators of hope” at hinikayat silang patuloy na ilahad ang mga sugat ng mundo nang may pag-unawa at hindi pagsasamantala.









