Kinumpirma ng China noong Biyernes ang pagkakatuklas nila sa pinakamalaking single gold deposit mula pa noong 1949.
Ayon sa Ministry of Natural Resources, ang Dadonggou Gold Mine sa lalawigan ng Liaoning ay naglalaman ng 1,444.49 tonelada ng napatunayang gold reserve.
Iniulat ng state-run Global Times na pasado na ang mina sa economic feasibility assessment, kaya maaari na itong i-develop.
Itinuturing ang deposito bilang isang super-large, open-pit mine. Tinatayang may 2.586 bilyong tonelada ito ng ore sa bahaging itaas ng 720-meter elevation na may average na 0.56 gramo ng ginto kada tonelada.
Nadiskubre ang mina matapos ang 15 na buwang exploration na posibleng maging modelo anila para sa “short-cycle, high-quality” mineral survey sa hinaharap.









