Sino raw itong opisyal ng gobyerno ang todo ang ginagawang pag-iipon sa takot na matsugi na sa puwesto?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, nagbabu na kasi ang backer ng government official kaya nakakaramdam ito ng kaba na baka isang araw ay utusan na lang siyang mag-alsa balutan.
Kaya itong ating bida, pana’y ang kolekta ng komisyon at kickback. Ang iba, pinambili ng pro¬perty sa kanilang probinsi-ya.
Nakapagpatayo rin ito ng mansyon na hindi niya nagawa sa dating trabaho dahil suwelduhan lang ito. Napakalaki raw ng bahay, halos anim na sasakyan ang kasya sa garahe.
May swimming pool na nga sa garden, may bath tub pa sa banyo, aba’y puwedeng tambakan ng cash tulad ng ginawa ng isang nakakulong na negosyante.
Malakas daw ang kita sa opisinang pinagsi¬silbihan ng opisyal. Dati raw ay basta na lang dumadating sa tanggapan ang box na puno ng cash, lalo pa kaya ngayon. Posibleng naambunan din daw ng grasya ang karelasyon nito, aba’y parang tumama ng jackpot sa lotto ang kumag.
Pintahan n’yo na. Ang government official na naging multi-milyonaryo sa laki ng naipon ay mababanggit mo ang pangalan sa pangungumpisal.









