Nilantad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kabuuang halaga ng alokasyon napunta sa distrito ni Davao Representative Paolo Duterte sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa record ng DPWH ay may karagdagang alokasyon na P30 bilyon para sa unang distrito ng Davao City para sa taong 2020-2023.
Ayon sa DPWH dahil sa naturang hakbang ang panukalang National Expenditure Program (NEP) ng Malacañang ay tumaas ng halos 500% para sa nasabing panahon.
Base sa mga dokumento, sa unang taon sa pwesto ang Malacañang-proposed 2020 NEP ng mula P4.67 bilyon at naging P13.745 bilyon, o kabuuang pagtaas na P9.07 bilyon. Ito ay mahigit umano sa 300% na pagtaas.
Sa sumunod na taon, kinatigan naman ni Pang. Duterte ang P9.67 bilyong alokasyon para sa distrito ng anak, na nagresulta sa P5 bilyong pagtaas mula sa nakalipas na taon.
Taong 2022 naman at P10 bilyon ang dinagdag.
Ang naturang halaga ay dinagdagan pa umano ni Rep. Duterte, na nagtaas sa panukalang budget ng kanyang ama para sa unang distrito ng Davao City ng mula P9.67 bilyon sa P25.034 bilyon, o kabuuang P15.36 bilyon. Ito ay kumakatawan sa halos 400% na increase.
Sa huling taon naman ni Pang. Duterte bilang pangulo, nagpanukala ang Palasyo ng P10 bilyong budget para sa unang distrito ng Davao City, na isa sa most substantial allocations para sa isang lungsod.
Gayunman, sa dokumento ng DPWH noong 2023, sa termino ni Pang. Marcos, ang distrito ni Rep. Duterte ay may allocated na P5.22 bilyon, at dagdag na P1.02 bilyon para ngayong 2024.









