Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang halos P200 milyong halaga ng hinihinalang shabu at kush mula sa Canada.
Ayon sa BOC kahapon, natuklasan ang mga hinihinalang ilegal na droga sa isang shipment mula Toronto, Canada na idineklarang “personal effects”.
Kabilang sa mga nakumpiska ang tinatayang 28.3 kilo ng hinihinalang shabu at 4.7 kilo ng hinihinalang kush na may kabuuang street value na P199.72 milyon.
Nasamsam din ang mga tuwalya at duvet na umano’y binabad sa hinihinalang liquid marijuana.
Patuloy ang imbestigasyon ng BOC para matukoy ang mga res-ponsable sa shipment at posibleng maisampa ang kaukulang kaso.
Inaalam na rin ng mga awtoridad ang posibilidad na may gumagalaw na sindikato ng ilegal na droga sa bansa na konektado sa international drug ring. (Angelica Malillin)









