Isinusulong ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang pagbabalik sa 15 hanggang 19 taong gulang na age requirement para sa mga kandidato sa Sangguniang Kabataan (SK), upang mas maging kinatawan umano ng kabataan ang mga ihahalal.
Inihayag ni Remulla ang panukala sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance sa panukalang 2027 budget ng DILG. Aniya, mas mainam na mas malapit sa edad at karanasan ng mga kabataan ang mga SK official.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, dapat ay 18 hanggang 24-anyos ang mga kandidato sa SK sa araw ng halalan. Ayon kay Remulla, mahirap umanong katawanin ng mga nasa edad 28 o 29 ang mga problema at pangangailangan ng kabataan dahil maaaring may pamilya o trabaho na sila.
Iminungkahi rin ng kalihim na repasuhin ang fiscal autonomy ng SK dahil maaaring hindi pa sapat ang kanilang kahandaan sa pamamahala ng pondo ng bayan.
Samantala, itinakda ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2, 2026.









