WebClick Tracer

KC nagsimula na ang balik-alindog program

Napakarami na ang excited na magpaka-active uli sa showbiz si KC Concepcion.

Nang um-attend nga si KC sa birthday party namin kamakailan at sabihin niyang nami-miss na niya ang showbiz ay agad natuwa ang kanyang mga faney.

Sana nga raw ay very soon ay sumalang na uli sa hosting si KC.

Sana rin daw ay magkaroon na ng talk show sa TV ang panganay na anak ni Sharon Cuneta.

Pero ang gusto nga ni KC ay makapagpapayat muna bago siya magsimula ng bagong proyekto.

Ang tsika naman sa amin ng isang malapit kay KC ay balik na raw ang dalaga sa pag-e-exercise.

Nagpi-pilates na rin daw si KC.

At dahil busy na rin si KC sa kanyang balik-alindog program ay marami na ang excited.

Well sana nga very soon ay mapanood na uli natin si KC dahil magaling siyang TV host, artista, at singer, ha!

‘Yun na! (Jun Lalin)