WebClick Tracer

KC, Pops swak sa concert?

Sa birthday party nga namin na ginanap sa Five Private Dining ni Paolo Bustamante sa 53 Connecticut St., Greenhills, San Juan ay nakitang masinsinang nag-uusap sina Pops Fernandez at KC Concepcion.

May videos, pictures ngang naglabasan habang nagtsitsikahan sina Pops at KC.

May mga faney tuloy na nagtatanong kung ano raw ba ang topic ng kanilang tsikahan?

May iba na nagdudang baka kinukumbinsi ni Pops na mag-concert uli si KC at siya ang magpoprodyus?

Sey nga ng fans ni KC, “Sana concert pinag-uusapan nila. Sana ipagprodyus ni Pops ng concert si KC.”

Pero tsika naman ng isang tinanong namin, hindi raw concert ang topic nila.

Ang sabi, um-order daw si Pops ng alahas kay KC.

Si KC kasi ang owner ng Avec Moi by Kristina.

Nakikita raw kasi ni Pops ang mga alahas na gawa ni KC at tila may nagustuhan ang Concert Queen.

“Ang alam ko, um-order ng alahas si Pops kay KC,” tsia ng taong tinanong namin.

In fairness, ang gaganda naman kasi ng designs ni KC sa kanyang vec Moi by Kristina jewelry business, ha!

‘Yun na! (Jun Lalin)