Nagkaroon kami ng pagkakataon na makachikahan si KC Concepcion sa birthday party ni Jun Lalin nitong Miyerkules ng gabi.
Na kahit siksikan ang mga bisita, at maingay ang paligid, game na game pa rin si KC na makipagchikahan sa amin. Miss na rin kasi ni KC ang showbiz.
“Yes, miss ko na ang showbiz. I grew up na rin with everyone. Ang tagal ko ring hindi… kasi for now, medyo malayo ako, na ang tagal kong hindi nakakakita ng mga taga-QC,” sabi ni KC.
Siyempre, inusisa si KC tungkol sa nanay niyang si Megastar Sharon Cuneta. Ang dami nga kasing natuwa sa chikahan, bonding nilang mag-ina noong Mother’s Day.
“Nag-States siya after that. Now she’s coming back,” sey ni KC.
Pero, handa na ba si KC na magbalik acting sa Pilipinas?
“Nami-miss ko po ang hosting. Nakaka-miss ang mag-host.
“But I’m really trying to get as fit as I can, back to ‘yung aking screen look. So, I’m excited to work on my sexy body! Hahahaha!
“Hanggang sa makuha ko na ang look na gusto ko, kasi meron din akong gusto for myself, na kapag napapanood ko ‘yung sarili ko, gusto ko na meron akong particular na hitsura na hinahabol.
“May naging meeting sa project. Pero, nandito lang naman ako. Hindi ako nag-iisip in terms of comeback, mas ang iniisip ko ay project na nakaka-excite para sa akin, para sa mga fans.
“Nandito lang naman ako. I just wanna look my best. As natural as possible,” sey pa rin ni KC.
Yes, mas bet nga ni KC ang natural na pagbabawas ng timbang, kahit medyo matagal.
“Pero mas healthy po kasi `yon. Hinahabol ko ang sexy body ko, gusto kong makita ulit `yon. Hahahaha!” masayang sey pa rin ni KC.
At siyempre, inusisa rin si KC tungkol sa love life niya.
“I’ll let you know po, kapag meron na po akong special announcement. Promise, I will let you know po!” sagot ni KC.
Sabi ni KC, nagugulat nga siya sa mga naglabasang chika noon na pakakasal na siya.
“Bakit nga po ganu’n? Pero wala po talaga! Wala pa po.
“Pero ganu’n din kasi ang showbiz talaga, na magugulat ka na lang, na ‘Ha, nangyari ba sa akin `yon?’
“Hindi po lahat totoo!” sambit na lang ni KC.
Anyway, si KC na lang daw mismo ang maglalabas kung sakali ngang meron na siyang dapat ianunsiyo na seryoso na talaga.
Bongga! (Dondon Sermino)












