Mukhang matatagalan pa nga bago mag-concentrate uli sa pag-aartista si KC Concepcion.
Sa ngayon kasi, tutok siya sa kanyang vlog.
Content creator nga muna ang drama niya.
Tsika sa amin ni Therese Poblador na tumutulong sa career ngayon ng panganay na anak ni Sharon Cuneta, hands-on daw si KC sa kanyang vlog.
“Tutok siya. Need niya tapusin ‘yung content for uploading. Hands-on talaga siya sa kanyang content!” sey ni Therese.
At mukhang enjoy at gusto talaga ni KC ang pagiging content creator niya, ha!
Anyway, excited na ang mga faney ni KC na mapanood siya sa pelikula o kahit sa isang serye.
Sana nga raw ay ang pag-aartista ang tutukan niya.
Pero tsika nga ni Therese, unti-unting nagpapapayat si KC at masu-surprise na lang daw talaga kapag gumawa uli siya ng acting project.
‘Yun na! (Jun Lalin)












