Natuwa ang mga faney ng Megastar na si Sharon Cuneta sa pictures na pinost niya sa kanyang Instagram.
Bale Mother’s Day celebration kasi ng kanyang pamilya ang pics na pinost ni Sharon.
Sa unang pic ay kasama niya ang panganay na anak na si KC Concepcion.
Ang second pic naman ay magkasama ang bunso niyang anak na si Miguel Pangilinan at KC.
Sila naman nina Kiko at KC ang magkakasama sa third pic na pinost ni Mega.
Sa last pic ay kasama naman ni Sharon sina KC, Miguel, at Kiko.
Caption ni Mega sa apat na pictures, “What a BEAUTIFUL Mother’s Day God gave me this year… In just a little more time, I have faith that He will make us complete… Praise YOU, Lord Jesus! Forever grateful. @kristinaconcepcion @kiko.pangilinan @miguelcpangilinan.”
Tinapos na nga raw ni Mega ang intriga sa pagitan nina KC at Kiko.
Pero siyempre, dalangin din ng mga faney na matupad ang sinabi ni Sharon na “In just a little more time, I have faith that He will make us complete.”
Na umaasa nga ang mga faney na makakasama rin nila sina Frankie at Miel Pangilinan sa pagse-celebrate ng susunod na Mother’s Day event.
Komento naman ng ilang mga faney, “God is good ALL the time! What a Mother’s Day gift indeed — an answered prayer. Have a wonderful Mother’s Day, Mami @reallysharoncuneta!”
“Mamaaaaa @reallysharoncuneta Finally seeing you in just one frame… and very, very soon, your family will be complete in one beautiful moment!”
“Mamaaaaa @reallysharoncuneta, my heart is so happy for you and I know this precious blessing is an answered prayer. Soon, magiging kumpleto na at buong-buo na!!! Exactly as you’ve been praying for.”
‘Yun na! (Jun Lalin)












