WebClick Tracer

BINI balik-‘Pinas, pinayagang makapagpahinga ng apat na araw

Balik-Pilipinas na ang BINI after more than a month of nonstop traveling, performances, and international engagements.

Dumating sa bansa ang Nation’s Girl Group last Monday after a busy overseas schedule that included appearances at Comic-Con and several stops for their “Signals” World Tour.

Masayang-masaya ang grupo sa kanilang pag-uwi at napakarami nilang na-miss partikular na ang kani-kanilang pamilya.

“Super happy na we’re finally home after more than a month. We miss you, Philippines,” sey ni Sheena sa panayam ng ABS-CBN.

Para naman kay Maloi, isa raw sa pinakana-miss niya habang nasa ibang bansa ay ang Filipino food. Biro niya, sa sobrang excitement nila na makauwi, feeling nila ay napakatagal ng biyahe sa eroplano.

“Grabe, ang dami naming pinagdaanan. Ang tagal ng flight na ito. Ito ‘yung pinakamatagal na 17 hours ng buhay namin,” sey niya.

“Pero super excited talaga kaming makabalik dito and kumain ng Filipino food. ‘Yun talaga ‘yung pinakanilo-look forward namin,” she added.

Masayang-masaya rin ang grupo sa kanilang experiences na makapag-perform sa iba’t ibang bansa.

“A blessing, privilege, and an honor na makapag-tour kami sa ibang bansa, not just in America, in Canada, and in Japan,” Aiah said.

“Ang crazy ng schedule kasi pabalik-balik kami and on tour kami, like nasa bus tour kami. Pero ang dami naming natutunan din, ang dami naming nami-meet na mga tao,” dagdag niya.

“Sobrang grateful kami kasi ang dami pa ring nagmamahal sa amin kaya we continue what we’re doing. And yeah, super happy ng experience so far,” she said.

Ngayong nakauwi na sila, magbabakasyon muna ang walong miyembro para makapagpahinga at makasama ang kanilang pamilya.

“Definitely po, we will spend our time with our family. And ‘yung iba sa amin magbabakasyon din sa kung anong gusto nilang gawin,” sey ni Gwen.

“Kailangan pa naming mag-recharge again. But for now, we will focus sa pag-recharge,” aniya pa.

Si Stacey naman ay excited nang kumain ng kanyang mga paboritong Pinoy food.

“Nakaabang na ‘yung tinapa, itlog na pula, at bagoong at sili sa condo ko ngayon kasi nagpaluto na ako sa nanay ko, at tinola for dinner,” saad niya.

Sabi naman ni Mikha, “Right now po, inaantay ko na po sa labas ‘yung family ko. Susunduin po ako and we’re gonna go somewhere and we’re gonna have fun as a family, and I’m excited.”

Binigyan ang walong miyembro ng apat na araw na bakasyon at pagkatapos nito ay balik-trabaho na sila for rehearsals and shoots bago lumipad na naman patungong Australia.

“After four days ng rest, meron kaming rehearsals and may mga shoots in between. Marami kaming gagawin in between before kami lumipad for Australia. Exciting,” sey ni Colet. (Vinia Vivar)