WebClick Tracer

Tiyan ni Sarah ayaw i-display habang may pregnancy issue

Smiling woman (Vinia Vivar) on a red campaign banner with bold white text'EH, DI WOW!' and the Abante logo.
vinia vivar

Pinasaya ni Sarah Geronimo ang kanyang fans nang magparamdam siya sa social media.

Ito ay sa gitna ng mga espekulasyong buntis siya sa first baby nila ni Matteo Guidicelli.

Nag-post si Popstar Royalty ng mga larawan showing off her new hair.

Caption niya, “Enjoyed taking selfies! Love my new hair color! Hello September!”

Kapansin-pansin sa photos na half-body lang ni Sarah ang shot at hindi nakikita ang kanyang tiyan.

Sa isang larawan nga na nakaupo siya sa harap ng salamin ay nakatakip pa ng throw pillow ang kanyang belly.

Lalo tuloy lumakas ang hinala na sinasadya niyang itago ang kanyang tiyan dahil preggy siya.

Tuwang-tuwa naman ang Popsters na muli nilang nakita ang idolo at ang ilan ay nagkomento na hangad nila ang safe pregnancy ni Sarah. May humula pa na baka baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

“Sending Prayers for a healthy and safe pregnancy for Mommy Sarah and baby,” sey ng isang fan.

Samantala, wala pang pahayag or official announcement ang celebrity couple hinggil sa pregnancy issue pero halos lahat sa showbiz ay kumbinsido na they are expecting dahil na rin sa mga pagkakatugma-tugma ng pangyayari. Ilan nga rito ay ang hindi pagkakatuloy ng isang event ni Sarah last May dahil in-advice siya ng doktor na magpahinga, ang reconciliation niya with her parents, and lastly, ang pagkumpirma ng isang colleague ni Matteo na magiging daddy na ang aktor soon.

‘Yun na!