Excited na ang mga FilAm sa Amerika para sa unveiling ng Walk of Fame star ni Lea Salonga.
Sa Biyernes (September 4) ng 11:30am to 12:30pm ang ceremony ng unveiling ng star ni Lea sa may Hollywood Pantages Theatre.
Inaasahan ngang dudumugin ‘yon ng mga FilAm.
May mga nakausap nga kami na maagang-maaga pa lang daw ay tatambay na sa lugar na iyon para masaksihan ang event ni Lea.
Samantala, magkakaroon naman ng luncheon reception with Lea Salonga Retrospective ng 1:00-3:30pm, pero according to Ms. Lisa Lew ng Manila International Film Festival, for private invite lang ‘yon. (Jun Lalin)












