WebClick Tracer

Pepe umaming may mental health problem

Nag-quit na ang singer-actor na si Pepe Herrera sa reality singing and impersonation competition show na “Your Face Sounds Familiar” para mas magkaroon ng panahon para sa kanyang mental health.

Sa umpisa pa lang ng November 15 episode ng show ay inanunsiyo na ng mga host na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na hindi na nga ipagpapatuloy pa ni Pepe ang kanyang journey bilang isa sa mga celebrity performer ng nasabing programa.

Sa video na pinalabas, binasa ni Pepe ang kanyang official statement na tinawag niyang love letter kung saan sinabi nga niya na kailangan niya munang huminto sa work para mag-focus sa kanyang mental health.

Ilang dekada na ring hindi maayos ang kanyang pakiramdam at matapos ang session niya sa isang psychotherapist ay nalaman niya na siya pala ay “struggling with depression and anxiety attacks alternately” mula noong 13 years old pa lang siya.

Nakaka-survive raw siya dahil sa paggamit ng mga band-aid solution, pag-iwas sa mga traumatic na karanasan, at pagtatago sa likod ng pagpapatawa at maskara. Subalit ang patuloy na pagpapanggap at pag-iwas ay nagbigay lang ng matinding pinsala sa kanyang katawan.

“Recently, I have been experiencing panic attacks in the evening preventing me from sleeping. Either I will be able to sleep only when the sun is shining or I won’t be able to sleep at all,” pahayag ni Pepe.

After nga raw ng insidenteng iyon ay nangako siya na hindi na siya tatakas at kukuha na ng proper treatment.

“Feeling exhausted, I made the promise to my body that I will never abuse it again by escaping. I had a long conversation with my wife that led to a moment of clarity. I made a decision to finally focus and commit to getting treatment while taking an indefinite leave from work,” aniya.

Isang “very difficult decision” daw ang desisyon niyang huminto sa trabaho dahil siya ang breadwinner sa kanilang pamilya.

“I became good in pretending because I need to provide for my family. But my wife and I agree that this needs to be done.”

Thankful at humingi rin siya ng sorry sa kanyang “Your Face Sounds Familiar” family dahil sa maaga niyang pag-alis sa show.

Sa dulo ng kanyang statement ay umaasa siya na ang kanyang pag-amin ay mag-encourage sa mga dumaranas din ng mental health problem at mag-seek din ng help.

Nagpakita naman ng suporta kay Pepe ang mga jury ng show na sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, gayundin sina Vhong at Jhong.

Get well, Pepe! (Byx Almacen)