WebClick Tracer

Anji walang violent reaction sa mga pamba-bash

Bys AlmacenGuest nitong Miyerkoles ng umaga sa ‘Magandang Buhay’ ang Star Magic artist na si Anji Salvacion.

Ito’y para i-promote ang ‘Tabing Ilog: The Musical’.

Bahagi si Anji sa nasabing musical kung saan binigyan niya ng buhay ang character ni Corrine na unang ginampanan ni Desiree del Valle noong 90s sa original television series nito.

Hindi pinaglaspas ng isa sa mga host ng ‘Magandang Buhay’ na si Melai Cantiveros ang pagkakataon na tanungin si Anji tungkol pamba-bash na natanggap nito sa performance nito sa hit series na ‘Linlang’.

Sey ni Anji, grateful daw siya dahil napapalibutan siya ng mga taong ‘who keeps her grounded’ at naniniwala sa kanya.

Sey pa niya, “Lagi ko naman sinasabi ito, the only thing that we can cope up with change is by learning.

“Wala namang tao na nag-aaral na instant agad.

“Masasabi ko na lang po sa kanila is thank you. At least po I get to know the feedback and I get to apply the things I really have to learn and the things that I have to improve. So, thank you so much,” pagtatapos niya.

Nagbigay naman ng payo sa kanya ang guest co-host na si Janice de Belen na isang award-winning actress.

“Siyempre nakaabang sila ngayon sa lahat ng gagawin mo. Since nakaabang sila, give them a show. Show them that you keep on getting better,” payo ni Janice.

In all fairness naman wala pang namba-bash kay Anji sa first musical performance niya sa ‘Tabing Ilog: The Musical’ na mapapanood sa PETA Theater Center hanggang December 17.

Bonggels!