Ang bongga talaga ng KDLex love team nina KD Estrada at Alexa Ilacad, ha!
Noong Mother’s Day celebration ng pamilya ni KD ay kasama nila si Alexa base sa larawan na shinare sa Instagram story ng nanay ng actor-singer na si Grace.
“Mother’s Day celebration #familytime,” ang caption ni Grace sa kanyang Instagram story.
Kilig na kilig nga ang KDLex fans dahil sa hashtag na #familytime na talagang bahagi na ng family nina KD si Alexa.
“Our Alexa is really part of the Estrada’s. The hashtag says it all. #familytime,” tweet ng isang KDLex fan.
Sa Instagram story naman ni KD ay binati at nagpasalamat siya sa sister at mother ni Alexa.
“Happy Mother’s Day to my partner’s sister and mom. Thank you for trusting me with Alexa and for including me,” sey ni KD sa kanyang caption sa Instagram story.
Sa latest interview ni Alexa para sa Candy Firsts ay sinabi niya na si KD ang unang taong nilalapitan niya kapag siya ay down.
“Kasi he gives the perfect amount of comfort cause I’m not that kind of girl who likes to hear too much comforting words and or comforting gestures.”
Anyway, ngayong araw na ito ang first taping day ng teleseryeng ‘Pira-pirasong Paraiso’ pero ayon sa nakausap ko sa Dreamscape Entertainment ay hindi pa kasama ang KDLex sa mga eksenang kukunan.












