WebClick Tracer

Biyuda binulagta sa loob ng tindahan

Isang 61-anyos na biyuda ang nasawi matapos itong ratratin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok Mangosteen, Barangay Manongol, Kidapawan City, Cotabato noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Genevive’’, residente sa nasabing lugar.
Sa ulat ng Kidapawan City Police Station, nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima bandang alas-8:30 ng gabi nang lapitan at pagbabarilin ng suspek gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakbo ang suspek patungo sa masukal na lugar sa Barangay Manongol.
Sinisilip ng mga awtoridad ang personal na alitan na may kaugnayan sa usapin sa lupa bilang motibo sa krimen. (Jun Mendoza)