Nagbigay ng update ang singer-stage actress na si Carla Guevara-Laforteza kung kumusta na ngayon ang kanyang anak na si KATSEYE member Sophia Laforteza na kasalukuyang naka-hiatus upang mag-focus sa mental health nito.
Sa panayam kay Carla ng ABS-CBN, ibinahagi niya ang pinagkakaabalahan ng kanyang anak ngayon.
“At present, Sophia is on hiatus. She goes to Disneyland every day. She’s baking, she’s painting. She’s literally doing everything to get mentally well,” sey ng singer.
Ayon pa kay Carla, as a mom ay ibinibigay niya ang laya sa kanyang mga anak na gawin ang makakapagpaligaya sa kanila at lagi raw siyang nasa likod ng mga ito to support them.
“I’ll be here to catch you when you fall. Anytime you can come home, anytime you can call me, but I want you to find your own happiness,” sey niya.
Matatandaang inanunsyo ng HYBE x Geffen (HxG) noong August 7 na pansamantalang hindi na muna makakasama si Sophia sa promotional activities ng KATSEYE upang mag-focus sa mental health and well-being nito.
A week after ay may nag-post namang netizen ng larawan ni Sophia kasama si Leon Barretto sa Disneyland kaya inintriga ito ng iba sa online world.
Kaagad naman siyang pinagtanggol ng kanyang fans at sey nila, makabubuti rin sa kalusugan ni Sofia ang mamasyal at mag-enjoy.
Tama! (Vinia Vivar)












