WebClick Tracer

‘Wala Na Bang Pag-ibig’ ni KD patama kay Alexa?

Ang daming tinamaan sa version ni KD Estrada ng “Wala Na Bang Pag-ibig” na original na kinanta ni Jaya.

Yes, mapapanood nga sa mga social media ni KD ang bonggang-bonggang version niya ng kanta ni Jaya. At sabi nga, parang may pinaghuhugutan, may pinatatamaan.

“So inaral ko ito like 30 minutes ago. So, try natin!” sabi pa ni KD.

Kaloka lang ang chika ng iba na bagay na bagay raw ang linya kay KD na, “Pag wala ka na sa aking tabi, tunay na, ‘di magbabalik ang dating pagmamahalan, pagsusuyuan, at tuluyan bang hahayaan. Wala na bang pag-ibig sa puso mo, at ‘di mo na kailangan, ang pag-ibig na dati, walang hanggan, paano kaya, ang bawat nagdaan…”

Siyempre, may mga nagsasabi na patungkol nga raw `yon kay Alexa Ilacad, na matapos nga ang ilang taon na madalas silang magkasama, na hindi nga sila mapaghiwalay, heto na sila ngayon, parang wala na raw koneksiyon sa isa’t isa.

Pero siyempre, nangako naman ang mga faney ni KD, na hinding-hindi nila iiwanan ang idol nila.

“Basta kami hindi mawawala sa iyo. Hindi ka namin iiwanan.”

“Ang pag-ibig namin sa iyo ay hindi mawawala, lagi kaming nandito para sa iyo.”

“KD your voice has a comforting presence that makes people want to hit replay.”

“Hugs KD, what a nice voice. Ang lakas maka-hele.”

“Wag kang mag-alala KD, may pag-ibig pa, nandito lang kaming fans mo na love na love ka.”

Hala! Bongga!