
Flinex ni BINI Gwen Apuli sa kanyang Instagram Story ang card at bouquet of flowers na pa-birthday sa kanya ni Marian Rivera.
Actually, halos mag-iisang buwan na ang nakalilipas nang mag-celebrate ng 23rd birthday si Gwen. June 19 pa kasi ang actual birthday niya.
Hinala ng fans at casuals, late post ito ng rapper ng BINI.
Obvious na super proud si Gwen sa natanggap na regalo mula kay Marian.
Tsika nga nito sa IG Story, “I’m still smiling in disbelief. Thank you po ate Marian Rivera.”
Pero hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga tambay sa socmed ang tinakpang word na nakasulat sa card.
Iniintriga tuloy ng mga memang netizen at mga kinikilig na faney ang tinakpang word na kasunod ng “and stay……” sa card.
Hinala ng karamihan, “in love” raw ang tinakpang salita sa handwritten birthday message ni Yanyan.
Narito ang buong mensahe ng misis ni Dingdong Dantes sa P-pop Queen, “Happy Birthday Gwen! Wishing you all the best, good health, happiness, and continued success in everything you do. May this year bring you even more blessings and beautiful moments. Just enjoy your special day and stay (tinakpan ang kasunod na word).”
Marami rin ang nagtataka kung bakit niregaluhan ng Kapuso actress si BINI Gwen. Ano raw ba ang connection ng dalawa? Iisa lang ang itinuturong dahilan, ang VXON group member na si Patrick Rocamora.
Kung matatandaan, kasali si VXON Patrick sa dance show na “Stars on the Floor” kung saan kasama rin si Marian, Aminado naman ang aktres na paborito niya si Patrick.
Actually, naging close sina Marian at Patrick dahil sa show.
Si Patrick ang napapabalitang boyfriend ni Gwen at madalas silang spotted na magka-date.
Hinala ng fans at casuals, naipakilala na raw ng main dancer ng VXON ang sinasabing girlfriend niya kay Marian kaya meron silang koneksyon.
At mukhang boto nga raw si Marian sa relasyon nina Patrick at Gwen.
‘Yun na!












