Mukhang nagbunga ang sipag ni Dingdong Dantes sa pagpo-promote ng action series niya sa socmed.
Kapansin-pansin kasi mula nang umere ang bagong serye ni Coco Martin ay mas naging masigasig si Dingdong sa pagpe-flex sa socmed ng kanyang action serye.
Ni-repost at flinex nga ng Kapuso actor ang artcard na nagpapakita ng paglampaso ng pinagbibidahang serye niya sa bagong action series ni Coco.
Proud na nagpasalamat ang mister ni Marian Rivera sa Facebook nito at super share sa artcard na nagpapakita ng latest survey ng NUTAM People Rating.
Narito ang mababasa sa nasabing artcard na pinost ni Dong, “Apat na channel na ang katapat, si Atoy pa rin ang pumaldo!”
Mababasa rin dito na nakakuha ng 9.9% at 8.4% ratings ang Kapuso series sa dalawang channel samantalang 8.2% lang ang total viewership na nakuha ng Kapamilya series sa apat na channel na pinag-eerehan nito, at 2.2% lang ang nakuha nito sa ALLTV.
Mababasa rin sa comment section ng nasabing post ang mga nakakaaliw na komento ng netizens at viewers na ikatutuwa ng Kapuso Primetime King.
‘Yun na! (Ogie Rodriguez)












