Aminado si Alexa Ilacad na dati ay mapagpatol siya sa mga basher at talagang naaapektuhan siya ng mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.
Sey niya sa kanyang panayam sa latest episode ng “Oh My Gan’ digital show, isa nga raw sa mga akusasyon sa kanya ay malandi siya at kung sino-sinong aktor ang dinidikitan.
“Nu’ng bata ako, pinapatulan ko lahat. Lahat ng mang-inis sa ‘kin, oo, patol ako,” natatawang sabi niya.
Marami na raw isyung ipinukol sa kanya at isa nga rito ay malandi raw siya.
“I was affected because I knew na hindi ako ‘yung sinasabi mo, kaya sasagutin kita. I need to defend myself,” aniya.
Pero ngayon na medyo nag-mature na siya, nasa point na raw siya na pinipili na niya ang kanyang sasagutin.
“Umabot na sa point na I don’t need to give you an answer. I don’t need to explain myself ever to anyone anymore. I don’t even need to defend myself anymore. Becaue luckily, people do it for me. My supporters do it for me and I’m so grateful for that,” sey ng aktres.
Dati rin daw siyang people pleaser, pero sa tinatagal-tagal niya sa showbiz, biggest lesson daw na natutunan niya ay talagang hindi niya mapi-please ang lahat.
“Coz no matter what I did, no matter what I gave, it’s still wasn’t enough for everybody, eh. Meron at meron kang madi-disappoint. Meron at merong masasabi.
“Kahit perfect ka na, may masasabi pa rin talaga, eh. So, stop na lang. Hindi na para mag-please ng people,” sey niya.
Well, tama naman! Mas kilala naman kasi ni Alexa ang kanyang sarili at alam niya kung ano ang totoo kaya dedma na lang, ‘noh?! (Vinia Vivar)












