Aba, nagkaroon na nga ng official announcement na muling magsasama sa pelikula sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa bagong family drama ng Star Cinema na “Remember” at tumulak na nga sila papuntang Quebec para simulan ang shooting.
Matapos ang tatlong taon, babalik na sa big screen ang isa sa mga minamahal na couple ng bansa at makakasama rin nila rito si Mae Cruz Alviar, na nagdirek ng kanilang huling box-office hit na “Rewind”, isa sa highest grossing films of all time ng bansa.
Ang nasabing pelikula ay isang collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures, at Regal Entertainment.
Bago umalis ng bansa, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang kasabikan na muling makatrabaho ang parehas na team sa likod ng “Rewind”.
“Ready na kami umalis papuntang Quebec. Sisimulan na namin ang isang espesyal na pelikula. After three years no’ng huli kaming nagsama at nandu’n na si Direk Mae, inaantay na kami at uumpisahan na namin ang pelikulang ‘Remember’. It feels good to work with the same team behind ‘Rewind’, plus more,” sey ni Dingdong.
Pakiramdam naman ni Marian, ito ang tamang panahon para sa muling pagsasama nila ni Dingdong sa isang pelikula.
“Actually kanina nag-uusap kami on the way here, parang sabi nga namin ilang years na ba? Three years na pala. Siguro ito na ‘yung tamang panahon ulit gawin ito. At the same time, ‘yung kuwento siguradong mai-in love sila sa ‘Remember’,” tsika ni Marian.
Bongga! (JL)












