WebClick Tracer

Dingdong binuking na mahilig sa insekto ang anak

Kahit gaano pa ka-busy ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakakatuwa na talagang they always make time for their family at ang talagang priority nila pareho ay ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Madalas silang magkaroon ng bonding moment na mag-anak, either out of town or out of the country, or kahit sa bahay lang.

Pero lately raw, nahihilig silang manood ng TV sa bahay na magkakasama bilang kanilang bonding time.

“Lately, nahihilig kami sa ano, simple lang, eh, manonood kami ng TV together. Pipili kami ng movie, although parating pinag-aawayan kung sino pipili,” kuwento ng aktor sa video interview niya sa isang recent event.

“But madalas, nasusunod si Zia kung ano ang gusto niyang panoorin. Pero maganda naman, kasi maraming family movies, eh, na pang-family watching. So, mukhang hindi naman tayo mauubusan,” tsika pa niya.

Habang nanonood nga raw sila ay panay ang kain nila at pagkatapos manood ay magkaka-karaoke naman sila.

“Mahilig kaming kumain, ‘yung mga chicken wings. Mas maanghang, mas gusto nila. Parang may stage sila na ganu’n.

“And right after, nagka-karaoke kami. So, ang saya lang kasi my son, si Sixto, is also playing the drums now. So, nagda-drums siya, ta’s sinasabayan nu’ng sister niyang kumanta.

“So, ang sarap makitang nagdya-jamming sila together. Plus si Marian pa, ‘pag kumanta na ng mga Aegis, ‘yan na, ang saya lalo,” pagbibida pa ni Dingdong.

Ikinuwento nga rin ng aktor na nahihilig din ngayon si Sixto sa exotic animals.

“Sa bahay kasi, may mga butiki, siguro nakikita niya. Interesado siya sa mga butiki do’n, sa mga ipis,” masayang tsika ni Dong.

Hindi raw niya alam kung bakit nga nahilig ang bunsong anak sa exotic animals at marahil daw ay dahil sa hino-host niyang show na “Amazing Earth”.

“’Yung ‘Amazing Earth’ is kuwento talaga ng mga animals, eh. Baka naalala niya. And I hope one day, he can do something similar.

“But definitely, I think, he’s gonna be an animal lover, ‘di ba, protector of animals. That’s such a noble trait,” sey pa ni Dong.

So nice! (Vinia Vivar)