Masayang Alexa Ilacad ang bumungad sa entertainment media na um-attend ng iWant mediacon ng original series na “Miss Behave”.
Halatang masaya si Alexa sa bago niyang Kapamilya project.
Bidang-bida nga si Alexa kasama sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol sa seryeng ‘yon.
At ang bongga nga dahil kakaibang Alexa ang mapapanood sa “Miss Behave”.
Mas palaban nga siya sa bagong proyektong ‘yon.
Ang tsika nga, “bolder” si Alexa sa mapaghamong role niya sa “Miss Behave”.
Sa seryeng ‘yon nga kasi ay gagampanan ni Alexa ang karakter ni Marla Briones, isang top-achiever student na masisira ang iniingatang reputasyon matapos kumalat ang kanyang mga pribadong larawan sa campus.
Grabe nga ang iskandalong babalot kay Alexa at sa mga kasama niya sa kahihiyan.
Sey ni Alexa, “We made it with so much heart and pure intentions. Inaalay namin ito sa lahat ng kabataan at kababaihan na dumanas sa pinagdaanan ng mga karakter namin. This is for the victims and survivors of such incidents.”
At heto pa nga ang tsika, pumayag si Alexa na makipaghalikan, love scene sa ‘Miss Behave’.
First kissing scene nga raw ito ni Alexa kaya ninerbiyos siya, ha!
Naku, after kaya ng “Miss Behave” sa iWant at mas matindi pa ang mga eksenang gagawin ni Alexa?
Well… (Jun Lalin)












