WebClick Tracer

Dingdong ‘sponsor’ sa wedding ni Polo

Ikinasal na si Polo Ravales sa kanyang non-showbiz line-in partner na si Paulyn Quiza.

Siyam na taon din nagsama sina Polo at Paulyn at may anak na sila nang magdesisyon silang magpakasal.

Naganap ang kasalan noong Linggo (May 24) sa White Space Manila sa Chino Roces Ave. Ext., Makati City.

Tsika sa amin ng manager ni Polo na si Tyronne Escalante, intimate lang daw ang wedding at doon na rin mismo sa venue ng kasal ang reception.

Dumating sa kasal nina Polo at Paulyn si Dingdong Dantes na matagal nang close sa groom.

Si Dingdong ay nagsilbing cord sponsor sa kasal nina Polo at Paulyn.

Samantala, nag-post din ang dating aktor na si Dino Guevarra ng picture na kasama sina Polo, Paulyn, at Dingdong.

Malalapit na magkakaibigan sina Polo, Dingdong, at Dino at marami silang mga proyektong pinagsamahan sa Viva noong teenagers pa lang sila.

Eh co-stars sina Polo at Dingdong sa “Master Cutter” ng GMA Network kaya may mga faney na nagsabing sana ay magbalik-acting na si Dino at makasama siya ng mga kaibigan sa nasabing serye.

Ang kasal nga ba nina Polo at Paulyn ang magiging daan para magbalik-showbiz si Dino?

Well… (Jun Lalin)