WebClick Tracer

Ivana, Zeinab kabugan sa kaseksihan

Excited na ang mga faney sa collaboration nina Ivana Alawi at Zeinab Harake-Parks.

Sa socmed kasi ay pinost nina Ivana at Zeinab ang ilang pictures na kuha nila sa may dagat.

Kabugan nga sa kaseksihan sina Ivana at Zeinab.

Pero siyempre, para sa kanilang mga faney, friendship goal daw ang samahan nina Ivana at Zeinab.

Sey ng iba, ano raw kayang klaseng collab ang ginawa nina Ivana at Zeinab at kailan kaya ipapalabas?

Anyway, sa post ng kanilang pictures ay sinabi ni Ivana na, “My ride or die.”

Sagot naman ni Zeinab, “Mahal kita.”

Sabi nga, noon pa talaga friends sina Ivana at Zeinab.

Actually, si Mona Alawi nga na sister ni Ivana ay napakomento rin sa post na iyon.

“Ang gaganda!!” sey ni Mona.

Ang bongga rin dahil pati si Marian Rivera ay napakomento ng smiling face with heart-eyes emoji sa post na iyon nina Ivana at Zeinab.

Napansin din namin na grabe ang like at positibong komento sa joint post nina Ivana at Zeinab.

Sakalam talaga silang dalawa at grabe ang kaseksihan, ‘noh?!

‘Yun na! (Jun Lalin)