WebClick Tracer

Alexa kinabog si Kai sa biritan

Naku, ang mga era (intrigERA, pakialamERA) talaga, ha!

Aba, pati ba naman sina Alexa Ilacad at Kai Montinola ay pinagsasabong, ‘noh?!

Iniintriga nga na kinabog daw ni Alexa si Kai sa biritan sa concert ng “ASAP XP” noong Sunday sa Araneta Coliseum.

Sa isang production number kasi ay nagkasama sina Alexa at Kai at nang biritan na, aba, mas bongga raw ang una sa huli.

Naku, dahil sa intrigang ‘yan ay tututok kami kapag ipinalabas na ang “ASAP XP” on May 17 sa primetime ng iba’t ibang platforms ng ABS-CBN Studios.

Gusto naming mapatunayan kung talaga nga bang nilampaso ni Alexa sa biritan si Kai, ha!

O baka naman iniintriga lang ng mga faney sina Alexa at Kai at gusto nga lang silang pagsabungin.

Well, saka na kami maniniwala kapag napanood na namin ang pagbirit nila, ‘noh?!

‘Yun na ‘yon! (Jun Lalin)