WebClick Tracer

KD hurt sa mga papuri ni Alexa kay BGYO Gelo?

Nadine Lustre na gaganap bilang nanay sa pelikulang Call Me Mother habang ibinibida ang kanyang hilig sa pagsusulat ng musika.Masaya si Alexa Ilacad sa kanyang kapareha sa vertical drama series na “The Chambermaid’s Daughter” na si Gelo Rivera na lider ng grupong BGYO.

Para sa aktres ay “very natural” ang chemistry nila.

“Ang maganda sa amin, natapon na ’yung ilang. Everything was just so natural,” sey ni Alexa sa interview niya sa Kapamilya Chat.

Dagdag pa niya, bago pa man sila nag-partner ni BGYO Gelo ay napansin na ng fans ang kanilang chemistry kapag magkasama silang mag-perform ss “ASAP”.

Puring-puri ni Alexa si BGYO Gelo sa nasabing series dahil dito nga raw ay napakita nito ang kakayahan at husay sa pag-arte.

“I have to applaud him talaga,” pagpuri ni Alexa kay BGYO Gelo.

Dagdag pa niya, “Sobra siyang [Gelo] game, lahat ng suggestion ko [okey sa kanya]. Nakikita ko na bina-value niya ’yung opinion ko.”

Sa nasabing vertical drama series, ginagampanan ni Alexa ang role ni Hannah Montano na isang chambermaid na in-hire ng Korean executive na si Daniel Jeon na ginagampanan naman ni BGYO Gelo.

Isa nga ang serye sa Top 10 TV shows ng iWant kahit na may ilang minuto lamang ang bawat episode nito.

Pero, teka! Ano kaya ang masasabi ni KD sa sobrang papuri ni Alexa kay Gelo?

Hurt kaya ang dating ka-love team ni Alexa?

Well…