Naniniwala si Senate President Pro Tempore at Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo “Ping” Lacson na mara¬ming mastermind sa flood control scandal.
Sa isang forum sa Senado nitong Miyerkoles, sinabi ni Lacson na sa tingin niya, maaaring mayroong mastermind sa bawat rehiyon o kaya sa bawat district engineering office subalit walang overall o iisang mastermind sa likod ng mga proyektong ito.
“I don’t think there’s an overall mastermind kasi nga diba, ano to eh, driven by greed. Saka sabi ko nga diba, parasitic eh. Para bang walang tigil na ng ano, but merong organized na grupo, pero within a certain agency, within a certain district engineering office like the Bulacan,” paliwanag ni Lacson.
“‘Yun, talaga sindikato ‘yun,” dugtong pa niya.
Naniniwala si Lacson na walang isang taong maaaring mag-utos sa lahat ng Regional Director kahit pa ang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Walang isang taong puwede mag-command sa lahat ng RD, not even the DPWH at Secretary, na ito, ito, ito. Merong mastermind sa Bulacan, may mastermind. Sa Mindoro, may mastermind. Pero may mga interlocking parang interventions,” wika ni Lacson.
Kapag sinabing mastermind, ayon kay Lacson, dapat ito ay fully-organized na parang mafia kung saan sa iisang tao lang susunod. (Dindo Matining)









